ENGKWENTRO | Lalaki, sawi matapos manlaban sa QC

Quezon City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP-CIDG sa Aurora Boulevard Barangay Loyola Heights, Quezon City.

Sa ulat, nakasuot ng itim na shirt at nakapantalon ang hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa PNP-CIDG, may natanggap silang report kaugnay sa dalawang lalaki na nakasay sa motorsiklo ang umaaligid at kahina-hinala ang kilos.


Nagpatrolya ang CIDG sa lugar at nang makasalubong ang riding in tandem ay bigla na lamang silang pinaputukan.

Gumanti ang mga pulis at napatay ang isa habang nakatakas naman ang isang kasamahan nito sakay ng motorsiklo.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek kung saan pinaghahanap na din ang kasama nito.

Facebook Comments