Zamboanga del Norte – Patay ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) habang sugatan ang isang sundalo sa engkwentro sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte.
Kinilala ang NPA commander na si Edwin Lapinig, alyas “Baz,” commander ng Platoon Basil of the Mobile Regional Guerilla Unit of the Western Mindanao Regional Party Committee of the New People’s Army.
Si Lapinig ay may standing warrant of arrest sa kasong multiple murder.
Itinuturo itong responsible sa pagpatay sa dalawang sundalo at pagkuha ng armas sa dalawang pulis sa Don Victoriano Chingbian sa Misamis Occidental.
Wanted din ito sa pagsunog sa construction equipment sa Zamboanga Peninsula.
Facebook Comments