AMBUSH | Dating Vice Mayor sa Barongis, Manguindanao – tinambangan

Tacurong City – Patay ang isang dating vice-mayor ng Sultan Sabarongis, Maguindanao makaraan itong pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek pasado, kagabi sa Tacurong City.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Datu Roger Lagawan Mamalo, 63-anyos.

Nabatid na pauwi na ang biktima sa kanilang bahay sakay ng kanyang SUV nang bigla siyang harangin ng dalawang lalaking sakay ng dalawang motorsiklo.


Sinabi ng ilang mga saksi na kaagad na pinagbabaril ang sasakyan ng dating opisyal bago mabilis na tumakas ang mga salarin.

Apat na mga tama ng bala ang bumaon sa katawan ng biktima na siyang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Blangko pa rin sa kasalukuyan ang mga kaanak ng dating sa opisyal sa kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Facebook Comments