Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa Kamara ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng Philippine Navy at mangingisdang Vietnamese sa West Philippine Sea.
Giit ni Alejano, dapat na alamin ang panganib at bigat ng tensyon sa lugar dahil sa umiiral na agawan sa teritoryo patunay dyan ang nangyaring insidente.
Kailangan aniyang magkaroon ng kumprehensibong West Philippine Sea strategy ang gobyerno na gagabay sa lahat ng stakeholders kasama na ang mga mangingisda.
Sa insidenteng ito, dalawang Vietnamese ang nasawi habang lima ang nahuli dahil sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng pangasinan.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang kongresista sa pagkasawi ng dalawang dayuhang mangingisda pero para hindi na maulit ito ay kailangang magkaroon ng kongkretong hakbang ang gobyerno sa isyu ng West Philippine Sea.