ENGKWENTRO | Sundalo patay sa pakikipagsagupaan sa ISIS inspired terrorist sa North Cotabato

North Cotabato – Patay ang isang sundalo matapos na makasagupa ang mga natitirang miyembro ng ISIS inspired terrorist group sa Pigcawayan, North Cotabato kahapon.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Private First Class Garry Quitor 27-anyos.

Si Quitor ay miyembro ng Alpha Company ng 33rd Infantry Batallion ng Philippine Army na patuloy na tumutugis sa mga natitirang terorista sa Maguindanao.


Sinabi ni 33rd Infantry Batallion Commander Lieutenant Colonel Harold Cabunoc si Quinor ay maituturing na bayani dahil sa pakikipaglaban sa mga terorista.

Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga nakasagupang ISIS inspired terrorist group sa lugar.

Base sa informants ng militar na-trap sa lugar ang mga nakasagupang ISIS inspired terrorist isa rito ay kinilalang si Salahuddin Hassan alyas Orak at iba pang foreign jihadist.

Nasira ang kanilang kanilang bangka matapos ang isinagawang air strikes at artillery bombardments ng militar kahapon.

Narekober naman ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang caliber 30 garand rifle.

Facebook Comments