PATAY | 14-anyos na binatilyo, sawi matapos makuryente sa Surigao del Norte

Surigao del Norte – Patay ang isang estudyante matapos makuryente habang naglalaro ng indian pana sa Surigao del Norte.

Nakilala ang biktima na si Sandy Pagarom, 14-anyos, residente ng Barangay Capalayan, Surigao City.

Kwento ng lola ng biktimang si Rosanna Delapa na tumama sa itaas ng puno ng niyog ang palasong nilalaro nito kung kaya at inakyat ito ng biktima.


Habang nasa kalagitnaan na ng kanyang pag-akyat ay nahulog ang isang sanga ng niyog sa live wire ng Surigao City del Norte Electric Cooperative.

Dahil dito, naputol ang wire at napunta ito sa biktima kaya at nakuryente ito saka tumilapon na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Facebook Comments