ENGR. AT ISA PANG BINATA, NAGPAKAMATAY!

6833

Cauayan City, Isabela – Inaalam parin hanggang ngayon ang dahilan ng pagpapakamatay ng dalawang lalaki na kinabibilangan ng isang engineer sa Isabela.

Nakilala ang mga nagpakamatay sa magkaibang bayan na sina Engr. Jersohwin Masaoay nasa wastong gulang at residente ng Baguio City at Alvin Domingo nasa tamang edad at nakatira sa Brgy, Nursery, San Mariano, Isabela.


Ayon sa report na nakalap ng iFM Cauayan, alas 6:20 kaninang umaga nang makatanggap ng tawag ang PNP Naguilian na nagsasabing nagpakamatay si Masaoay. Ngunit ayon sa salaysay ng ka trabaho nito na si Jenester Fernandez, alas 4 ng madaling araw nang makita niya ang kaibigan na nakatali ang leeg at nakabitin gamit ang nylon cord sa loob ng kanilang boarding house.

Agad na dinala ang biktima sa isang pribadong pagamutan ngunit inidekra itong dead on arrival. Maliban sa pagiging Engineer ni Masaoay, napag alaman din na isang siyang musikero.

Samantala, alas 6:30 nang makitang nakahandusay sa loob ng boarding house sa City of Ilagan ang binatang si Alvin Domingo. Itinakbo agad sa Provincial Hospital si Domingo ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Sa imbestigastion ng City of Ilagan Police Station, uminum ang biktima ng pestisidyo. Si Domingo ay nagtatrabaho sa isang gasolinahan sa nasabing lungsod. Sa ngayon ay naiuwi na sa San Mariano ang mmga labi ng biktima.

Facebook Comments

From Advertisers