Estudyante, patay nang malunod sa isang resort sa Batangas

974

Nauwi sa trahedya ang isa sanang masayang weekend outing ng magkakaibigan nang masawi ang isa nilang kasama matapos malunod sa isang resort sa Nasugbu Batangas, Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Alex Noble, 17, residente ng Muntinlupa City.


Batay sa ulat ni PMajor Ronald Cayago, hepe ng Nasugbu police, naglalakad raw ang naturang grupo sa dalampasigan ng Marilyn Resort sa Barangay Wawa nang bigla umanong tangayin ng malakas na alon ang mga ito.

Dito raw biglang dinala ang dalawa sa grupo sa gitna ng dagat kung saan lumubog silang pareho sa tubig at dito na nalunod si Noble.

Nakaligtas naman ang kasama nito na si James Delos Santos, 19 na naidala pa sa Jabez Medical Center.

Facebook Comments

From Advertisers