Enrile sa gitna ng coronavirus pandemic: ‘Buhay pa ako at walang COVID-19’

File

Sa kasagsagan ng paglobo ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa, tiniyak ni dating senador Juan Ponce Enrile na hindi pa siya tinatamaan ng pinangangambahang sakit.

Naglabas ng mensahe ang 96-anyos sa Facebook nitong Martes para sa mga nagtatanong sa kanyang lagay, pati na sa mga “tsismoso”.

“Some people are asking if I am dead, or if I have COVID 19. Well, I am sorry to disappoint the rumormongers. I am still alive, and I do not have COVID 19,” ani Enrile.


Para naman daw sa mga nagpapakalat ng balitang pumanaw na siya, “Enjoy your silliness, rumormongers. You might get what you are wishing for me. I will pray for your soul and health.”

Hindi na bago sa social media ang biruang “imortal” ang dating senador na ipinanganak noong 1924.

Katuwaan nga ng netizens, tiyak malalampasan din ni Enrile ang coronavirus pandemic gaya ng iba pang epidemyang dinaanan ng anila’y “strongest man alive”.

 

Kasalukuyang nasa 187 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas — 58 sa kanila ay mga senior citizen — ayon sa Department of Health.

Facebook Comments