Enrique Gil, nag-aalinlangan sa susuuting Darna costumes ng kaniyang ka-loveteam na si Liza Soberano

Manila, Philippines – May alinlangan ngayon ang aktor na si Enrique Gil sa pagsusuot ng ka-loveteam na si Liza Soberano ng two-piece na ‘darna’ costume.
Ayon kay Enrique, kung maari lang daw sana ay baguhin ng konti ang costume ni Liza lalo na’t karamihan sa mga gagawin daw kasi nito ay fighting scenes.
Pero kung hindi naman daw mapapagbigyan ay dapat lang daw sana maging matibay at kaaya-aya ang costume ni Liza.
Kapansin-pansin namang nagiging lalong fit si Enrique na sumasabay pala kay Liza sa kaniyang ‘superhero’ workout at diet.
Pinaghahandaan naman ng aktor ang susunod na teleserye nito kung saan makakasama niya din si Liza at abangan na lamang daw ng mga fans nila ang storyline at ang title nito.

Facebook Comments