Manny Pacquiao, malapit nang maabot ang 100 percent condition sa huling yugto ng training nito

Manila, Philippines – Ilang araw bago bumiyahe pa-Australia, nararamdaman na daw ng mga trainer ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao na malapit na daw maabot nito ang 100 percent condition.

Kasalukuyan nasa huling yugto na ng training si Pacman at kuntento na daw dito ang kaniyang conditioning coach na si Justine Fortune.

Hindi din nakikita kay Pacquiao na napapagod ito sa mga ensayo at muling bumabalik ang bilis at lakas ng suntok nito kaya’t siguradong mapapalaban ng husto ang makaharap nitong si Jeff Horn.


Ikinatuwa naman ni Pacquiao ang balitang mapapanood ang kaniyang laban ng libre sa amerika kung saan ibo-broadcast ito ng sports channel na ESPN.

Sa June 24 nakatakdang bumiyahe ang team Pacquiao sa Brisbane, Australia pero magkakaroon pa ng training at isang sparring sesyon si Pacman para tuluyan daw makondisyon ang katawan nito sa klima ng nasabing bansa.

Facebook Comments