Enrollees sa mga pampublikong paaralan, pumalo na sa mahigit 13.1 million

Pumalo na sa 13,152, 065 ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), sa naturang bilang, 870,194 ang nagpatala sa Kindergarten; 6,118,690 sa Elementary; 4,221,840 sa Junior High School; at 1,940,621 sa Senior High School.

Nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng enrollees ang CALABARZON, na sinundan ng National Capital Region, Central Luzon, at Region 6.


Samantala, tuloy naman ang pagbubukas ng klase ng mga paaralan sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa Agosto 22, sa kabila ng mga pinsalang iniwan ng malakas na lindol sa Hilagang Luzon.

Kaugnay nito handa naman ang mga guro at mag-aaral na ipatupad ang hybrid learning modality para sa mga paaralang napinsala ng lindol.

Facebook Comments