Manila, Philippines – Kakausapin ng Korte Suprema ang ilang paaralan sa bansa na nag-aalok ng abugasya para sanayin ang mga estudyante sa umasisti sa pagbibigay ng legal na serbisyo sa mahihirap at nasa marginalized Sector ng Lipunan.
Ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin. ang naturang hakbang ay bahagi ng Judicial Reform na prayoridad ipatupad nito.
Bago maitalagang Chief Justice, nagtungo ng US si Bersamin at Associate Justice Alexander Gesmundo sa imbitasyong US State Department sa pamamagitan ng International Narcotics and Law Enforcement Affairs para pag aralan ang programa ng mga pangunahing Law School sa Amerika.
Ayon kay Chief Justice Bersamin, nais din nitong gayahin ang programa kung saan ang mga bibigyan ng libreng Legal Serviced ang mga mahihirap na Pinoy.