‘Entitled’? Alex Gonzaga, sinagot ang akusasyong sumingit sa pila sa airport

3139
Alex Gonzaga/Instagram

Itinanggi ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang paratang ng isang netizen na sumingit siya sa pila sa immigration sa airport.

Isang netizen nitong Lunes ang nag-tweet ng screenshot ng Facebook post ng buntis niya umanong kaibigan na nagsabing inunahan daw ni Alex sa pila.


“Alex Gonzaga just tried to cut me at the immigration queue. What’s with entitled Filipino celebrities lol,” saad ng Facebook status.

Tweet naman ng netizen na kumastigo sa aktres, “Shutanginamesh alex gonzaga kagaspangan ng ugali mo nagumpisa ka na naman wala ka patawad pati friendship ko.. nakakaloka ampotah!”

Screenshot from FashionPulis

Paliwanag ni Alex, nagbukas ang bagong counter at inanyayahan siya at ang kaniyang mga magulang na gumawa ng bagong pila.

Hinayaan naman daw nilang mauna ang buntis nang lumapit ito sa kanila at nagsabing siya muna dapat.

Sinabi rin ni Alex na hindi sila nagmamadali at hindi sila “pa-entitled” dahil senior citizen ang kanyang mga magulang.

Ikinalungkot naman ng aktres na pinalaki pa raw ng issue kahit wala naman dapat issue.

Gayunpaman, pinili ni Alex na maging positibo at mag-enjoy na lamang sa bakasyon.

Nagtungo sa Tokyo, Japan si Alex para sa YouTube Creator Summit 2019.

Isa ang aktres sa may pinakamaraming YouTube subscribers sa bansa.

Facebook Comments

From Advertisers