Baguio, Philippines – Inilipat at pina-aga ang one-day entrance examination sa mga naghahangad at gustong makibahagi sa mga sundalo mula sa Philippine Military Academy (PMA). Mula Agosto 30, inilipat ito sa Agosto 26 hanggang Oktubre 3 sa iba’t ibang testing centers sa buong bansa kasama ang lungsod ng Baguio at bago sumailalim ang mga ito sa exam, kailangang obserbahang mabuti ang ilang mga health protocols.
Ayon kay PMA Spokesperson Major Cheryl Tindog, para masigurado ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga mage-exam at mga tauhan, kailangan nilang magsagawa ng karagdagang mga pagbabago na naaayon sa guidelines ng national at lokal na Inter – Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases. Kabilang sa kanilang guidelines ang pagkakaroon ng 50% sitting capacity sa testing center at pag obserba ng physical distancing kung kaya’t,magkakaroon ang PMA ng apat na araw na alokasyon sa pagsisimula ang exam kung saan, ipapa-alam ng mga proctor sa mga testing center kung kailan makakapag-exam sa isa sa apat na araw na alokasyon.
Dagdag pa nya na ang mga examinees ay bibigyan ng examination permit na maaring ma-download online, o maipapadala sa kanila sa pamamagitan ng email. para sa mga honor student-applicants ay maaring magprisinta ng kanilang special permit sa proctor at para naman sa mga walk-in applicant, tatanggapin sila sa ika-apat na araw ng examinasyon sa kanilang testing center.
Lahat ng examinees ay dapat may health declaration form mula sa kanilang lugar kasama ang kanilang medical certificate o clearance mula sa kanilang munisipal o city health office.