ENTRAPMENT OPS | Mahigit 20 mga kababaihan, na-rescue ng NBI sa prostitution den sa Makati; 5 suspek, arestado

Manila, Philippines – Arestado sa entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation o NBI ang limang lalaki na nasa likod ng prostitution den sa Makati City.

Kanina, iniharap sa media ng NBI ang mga naarestong suspek kabilang na ang nagsilbing manager ng kasa na si Edwin Bayona.

Arestado rin ang apat na iba pa kabilang sina Alfredo Valenzona, Richard Cahusay, Agustin Ramirez at Charlie Quiobe.


Narescue sa operation ang 28 babae kabilang na ang 2 menor de edad na ibinebenta ng mga suspek sa kanilang mga parokyano na kalimitan ay mga foreigner sa halagang P2,000.

Karamihan sa mga babae ay galing pang probinsya.

Kinasuhan na ang lima ng paglabag sa Trafficking in Persons Act 2003.

Bigo ang NBI na maaresto ang sinasabing may-ari ng casa

May hinala ang NBI na ang prostitution den ay protektado ng ilang maimpluwensyang tao.

Facebook Comments