ASIAN GAMES | Philippine Basketball Team – hindi papatinag sa matatangkad na players ng China

Hindi magpapasindak ang Philippine Basketball Team sa mala-“Great Wall of China” na tangkad ng mga players ng powerhouse team sa preliminary rounds ng Asian games bukas.

Bukod kasi sa tatlong 6-foot-8 players ng team China, tampok rin ang dalawa nitong 7-footers players kabilang ang 22-year old Houston Rockets cager na si Zhou Qi.

Isa si Zhou sa tatlong NBA players na binigyan ng one-time exception para makalahok sa kanilang mga national team sa asiad kasama sina Dallas Mavericks guard Ding Yanyuhang at si Fil-Am star Cleveland Cavaliers mainstay Jordan Clarkson.


Samantala, sa line-up ng Pilipinas, ang beteranong si Asi Taulava na ang pinakamatangkad na may height na 6-foot-9.

Nauna nang sinabi ni Head Coach Yeng Guiao na papanatilihin nilang dikitan ang laban na nakikita nilang susi para manalo sa sunod nilang laro.

Facebook Comments