Entry level na sahod ng mga public school teachers, pinatataasan sa Salary Grade 15

Isinusulong ni Senator Ramon “Bong” Revilla ang taas-sahod para sa mga guro mula sa mga pampublikong paaralan.

Sa Senate Bill 267 ni Revilla ay kinikilala ang napakahalagang papel ng mga guro sa ‘nation-building’ sa pamamagitan ng pagtataas sa entry-level na sweldo ng mga ito.

Sa ilalim ng “Public School Teachers’ Salary Upgrading Act”, ay itataas ang entry-level pay ng mga public school teachers sa Salary Grade 15 o katumbas ng ₱35,097 mula sa Salary Grade 11 o ₱25,439 na sahod.


Nakasaad sa panukala na ang dagdag na sweldo na ito sa mga guro ay malaking tulong upang maibsan ang epekto ng mga nagtataasang presyo ng bilihin at serbisyo.

Binigyang diin ni Revilla na karapat-dapat lamang na itaas na ang sweldo ng mga guro bunsod na rin ng bigat ng trabaho na kanilang ginagampanan, kabayanihan at sakripisyo para mapatatag ang pundasyon ng sektor ng edukasyon.

Facebook Comments