Enviroment Chief Cimatu binigyan ang ‘estero rangers’ ng hanggang Disyembre para linisin estero sa Metro Manila

Binigyan ni Environment Secretary Roy Cimatu ng anim na linggo ang nasa isang libong ‘estero rangers’ para makapagpakita ng mga pagbabago sa pisikal na kaanyuhan at kalinisan ng tubig ng mga estero ng Metro Manila.

Ito ay kasunod ng pormal na pagtatalaga sa loob ng ng mga “estero rangers” sa mahigit 700 barangays sa kamaynilaan.

Sinabi ni Cimatu na ang mga estero rangers ay magsisilbing “communication link” sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng komonidad sa kasalukuyang rehabilitasyon ng Manila Bay.


Pinaalalahanan ng DENR chief ang mga estero rangers na ang kanilang mga anak ay siyang magiging Benepisaryo ng clean up drive.

Ayon sa DENR may 279 waterways na dumadaloy sa 711 barangays sa Metro Manila kung saan may mga eskinita na hindi nararating ng mga trak ng basura. Karamihan sa mga eskinitang ito ay mayroong naninirahang mga informal settler families.

Sinabi pa ng DENR na dalawang estero rangers ang itatalaga sa bawa’t barangay o kabuuang bilang na 1,422. Sa kasalukuyan, 1,283 na ang nakuha at 1,142 sa kanila ay nakadalo sa mass oath-taking at deployment ceremonies.

Ang kontrata ng bawa’t estero ranger ay mula Nobyembre 15 hanggang Disyembre 31 ng taong kasalukuyan. Matapos ay maaari itong i-renew kada buwan.

Sa ilalaim ng kontrata, tatanggap ang isang estero ranger ng P8,500 na buwanang sahod para sa limang araw na trabaho kada linggo.

Facebook Comments