Enviroment-friendly packaging, isinusulong ng mag-asawang negosyante

Negosyong may malasakit sa kalikasan.

Bukod sa tubo, itinutulak din ng business partners at mag-asawang sina Geneva Rose at Bervic Sobremonte ang eco-friendly packaging ng kanilang mga produkto.

Sa segment na Business as Usual ng Usapang Trabaho sa RMN DZXL 558 Radyo Trabaho, ibinahagi ng mag-asawa na ang ginagamit nilang pambalot sa mga produktong cookies, cinnamon rolls, brownies cakes at cheesecakes ng The Bergene Café ay pawang mga biodegradables


Ayon kay Geneva at Bervic, pagkatapos kainin ang baked goods ay pwedeng gawing pataba sa mga lupang pananim ang mga lalagyan sa halip na itapon na lamang.

“I’m a strong beliver of zero waste . I’m trying to lessen our waste to give back to Mother Earth. So, kung mapapansin niyo our packaging is wala siyang plastic. Pwede po siyang i-compost if your composting at home tsaka isama sa halaman. After naman makain yung goods most likely itatapon na rin yung lagayan. Kaya inisip namin talaga how to lessen and reduce waste to help the environment.” ani Geneva.

Dagdag pa ng dalawa, karamihan sa mga ingredients ng kanilang produkto ay locally bilang tulong na rin sa mga negosyanteng Pinoy.

Facebook Comments