Environment Forum tungkol sa responsible minning, isinagawa sa siyudad ng Santiago

Santiago City, Isabela – Isinagawa sa siyudad ng Santiago ang Environment Forum may kaugnayan sa responsableng pagmimina.

Pinangunahan ito ng MGB o Mines And Geoscience Bureau Region 2.

Dinaluhan ito ng mga estudyante mula sa ibat ibang unibersidad sa siyudad ng Santiago, Nueva Vizcaya at probinsiya ng Quirino na kumukuha ng kurso may kaugnayan sa pagmimina.


Ipinaliwanag sa nasabing pagpupulong ang pagkakaroon ng responsableng pagmimina.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang tatlong minahan dito rehiyon dos na kinabibilangan ng Geo Gen, STF Mineral at Oceana Gold.

Dumalo rin sa nasabing forum ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources at iba pang opisyales ng probinsiya ng Quirino.

Facebook Comments