Environment groups sa Cebu, makikiisa sa nationwide protest para kay Gina Lopez sa susunod na Linggo

32

Cebu, Philippines – Susuportahan ng mga lokal na environment groups sa Cebu ang nationwide protest sa darating Linggo para ipakita pagkadismaya sa pagbasura ng Commission on Appointments sa posisyon ni Gina Lopez bilang secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayun kay Vince Cinches ng Greenpeace Philippines-Asia, nais nilang ipakita ang patuloy na pagsuporta kay Lopez, at maipadama sa mga miyembro ng CA na mali ang ginawa ang pagbasura sa appointment ni Lopez.

Ngunit para kay Cebu City Mayor mas may nakikita itong magandang bagay para sa Cebu city sa pagkakatanggal kay Lopez.

Tinukoy ni Osmeña ang kautusan ni Lopez na mabilisang pagpapasara sa sanitary landfill nang ito’y bumisita sa lungsod ng Cebu.
DZXL558

Facebook Comments