Environment Sec. Cimatu, inilipat ang pamamahala ng Palawan wildlife facility sa isang corporate arm ng DENR

Iniutos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang paglilipat ng pamamahala sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center.

Ito’y mula sa Biodiversity Management Bureau patungo sa Natural Resources Development Corp., isang corporate arm ng DENR.

Ang PWRCC na dating kilala bilang Crocodile Farm and Nature Park ay isang breeding place para sa endangered Philippine crocodile at isa rin itong research and rescue center ng iba pang species na endemic sa Palawan tulad ng bearcats at Philippine cockatoos.


Base sa DENR Administrative Order No. 2020-10, layon ng hakbang na magkroon ng mahigpit na superbisyon sa PWRCC, makakuha ng mas mataas na kita at magkaroon ng “financial stability.”

Sa ilalim ng DAO, pinahihintulutan ang NRDC na baguhin o ayusin ang mga presyo, fees at charges na may kinalaman sa PWRCC commercial at business operations, na nakapaloob sa umiiral na batas, panuntunan at regulasyon.

Mananatili naman sa Biodiversity Management Bureau ang kapangyarihang magpatupad ng “regulatory authorities” sa crocodile ang iba pang wildlife species sa PWRCC.

Facebook Comments