Pasig River Ferry, bukas na tuwing Linggo ayon sa MMDA

Kinumpirma ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bukas na tuwing araw ng Linggo sa buong buwan ng Disyembre ngayong taon ang Pasig River Ferry Service (PRFS).

Batay sa abiso ng MMDA, mananatili ang free ride ng PRFS sa lahat ng sasakay rito mula Lunes hanggang Linggo, simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Ang mga PRFS station na handa na magbigay serbisyo sa mga commuter ay ang istasyon ng Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City; Guadalupe sa Makati City; Hulo sa Mandaluyong City; Lambingan, Sta. Ana, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Escolta at Lawton sa Manila City.


Tiniyak naman ng MMDA na mahigpit nilang ipatutupad ang health and safety protocols laban sa COVID-19, tulad ng tamang pagsusuot ng face mask at face shield, pagsunod sa 1-meter social distancing, pagkuha ng health information ng pasahero, at body temperature check.

Facebook Comments