ENVIRONMENTAL CRISIS | DENR, nag-isyu ng show cause order laban sa 900 Boracay establishments

Manila, Philippines – Sinilbihan na ng show cause order ng DENR at DILG ang mahigit 900 na establisyimento sa Boracay island na nakitaan ng paglabag.

Sa isang Press Conference sinabi ni Environmental Undersecretary Jonas Leones na sakop nito ang mga resorts at hotels sa forestlands at wetlands.

Under evaluation na umano ang mga ito at kung hindi makakatugon ay mahaharap sa posibleng demolition.


Nilinaw naman ni Leones na sa loob ng 6 buwan lang din ang pagsasara ng mga establisyemento.

Humingi na rin umano sila ng paliwanag at mga kinakailangang dokumento sa mga ‘violator’ kaugnay dito.

Nauna rito, tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “cesspool” o imbakan ng dumi ang islang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Facebook Comments