ENVIRONMENTAL CRISIS | Kaso ng pagsasara ng Boracay, kabilang sa mga tinalakay sa special en banc session ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Kasama ang kaso ng Boracay sa mga agenda kanina sa idinaos na special en banc session ng Korte Suprema.

Nabatid na agad na nai-raffle ang kaso at ito ay napunta kay Associate Justice Mariano Del Castillo.

Gayunman, wala pang naging aksyon ang Korte Suprema sa kaso.


Ang susunod na special en banc session ng Korte Suprema ay sa buwan ng Mayo kung saan inaasahang matatalakay at mapagbobotohan na ang quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nag-ugat ang kaso sa petisyong inihain ng mga manggagawa at residente sa Boracay kung saan hiniling nila ang pagpapalabas ng temporary restraining order o status quo ante order sa pagpapasara sa Boracay.

Facebook Comments