Nagpinta ng kulay berdeng pintura sa kanilang mga palad ang ibat ibang mga kinakatawan ng environmetal groups sa isinagawang pagkilos kanina sa arroceros park.
Inilatag ng PPP o the People, Patrimony and the Planet ang kanilang tinatawag na green agenda o mga hamong elektoral 2019.
Kasama sa mga grupong lumahok sanpagkilos ang haribon foundation, nilad Metro Manila Environment Network, Manila Doctors Hospital, Earth Island Institute Philippines, Pamalakaya at Wild Bird Club of the Philippines.
Kasabay ng pagdiriwang ng earth month, ibinandila ng mga environmental groups ang kanilang paninidigan laban sa reclamation dahil sa idudulot nitong pagkasira sa karagatan at mga pinagkukunan ng tubig.
Umapela ang mga environmental groups sa mga kumakandidato at maging sa mga botante na isama sa mga agenda ngayong eleksyon 2019 ang usapin ng pangangalaga ng kalikasan.