Tatlong lead star ng Golden State Warriors, pinagmulta ng NBA

Pinagmumulta ng National Basketball Association (NBA) ang tatlong Golden States Warriors players na sila Stephen Curry, Kevin Durant at Draymond Green.

Sa official statement ng NBA, ito ay bilang parusa sa ginawang pambabatikos ng mga Warriors stars sa mga game officials.

Pinakamalaking multa ang kay Green na aabot sa mahigit 1.8 Milyong piso.


Aabot naman sa mahigit 1.3 Milyong piso ang multa ni Curry habang halos walong daang libong piso naman si Durant.

Nangyari ang nasabing insidente habang kasagsagan ng laban kontra minnesota timberwolves kung saan natalo ang warriors sa iskor na 130 – 131.

 

Facebook Comments