Mas pinapahigpitan ni Senator Joel Villanueva sa Department of Environment and Natural Resources o DENR ang pagpapatupad ng mga environmental regulation.
Iginiit din ni Villanueva sa DENR na maging higit na istrikto sa implementasyon ng mga occupational safety at health standards para sa mga manggagawa sa sektor ng minahan.
Mungkahi ito ni Villanueva makaraang tanggalin na ng DENR ang ban o pagbabawal sa open pit mining.
Kasama rin sa suhestyon ni Villanueva sa gobyerno na ikonsidera ang climate change sa paglalatag ng pangmatagalang polisiya sa pagmimina.
Paliwanag ni Villanueva, naranasan na natin ang matinding pinsalang dinulot ng Bagyong Odette sa Cebu, Bohol, Surigao, Negros, at Palawan na dulot ng climate change.
Facebook Comments