Mandaluyong City – Sumugod sa tanggapan ng Asian Development Bank sa Ortigas Center sa Mandaluyong City ang environmentalist group na Philippine Movement for Climate Justice.
Ito ay upang ipanawagan na itigil na ang pakikilahok sa coal projects na nakakasira sa kalikasan at malaki ang nai-aambag sa climate change.
Nabatid kasi na ang Asian Development Bank ang siyang nagpo-pondo sa mga coal projects sa bansa kung saan hindi daw ito sagot para matugunan ang kakulangan ng suplay ng kuryente sa mga komunidad.
Iginiit pa ng grupo na sa halip daw kasi na makatulong, peligro ang dulot nito.
Una na din pumalag ang mga residente sa Atimonan, Quezon na sinasabing maapektuhan sakaling matuloy ang coal projects.
Muli naman ipinaalala ng grupo sa Asian Development Bank na una nang ibinasura ng Korte Suprema ang power supply agreement na nagsasasad ng masamang epekto ng coal energy.