Umalma si Bency Ellorin, environmentalist at convenor ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) sa mga pagbatikos sa panukalang P95 billion Pasig River Expressway (PAREX).
Sinabi ni Ellorin na bagama’t nauunawaan nila ang ideyalismo ng mga tutol sa proyekto, premature aniya ang mga pagbatikos dito.
Idinagdag ni Ellorin na wala ring basehan ang pahayag na masisira ang heritage at historical sites sa pagsasagawa ng proyekto.
Ayon sa Pinoy Aksyon, kahanga-hanga ang pag-integrate ng environmental restoration sa pamamagitan ng major infrastructure development projects.
Ang P95 billion PAREX ay magiging modelo rin ng green infrastructure, na magpapa-ibayo sa environmental rehabilitation.
Ang 19.37-kilometer hybrid expressway project sa kahabaan ng Pasig River ay pangangasiwaan ng SMC sa ilalim ng Public-Private Partnership program ng pamahalaan.