MANILA – Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order para sa pagbuo ng Expanded Bangsamoro Transition Commission (BTC).Isinagawa ang ceremonial signing sa Malacañang na sinaksihan ng mga kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front (MILf), ilang mambabatas at miyembro ng gabinete.Ayon kay Duterte, layon niya sa paglagda ng E.O. na tuluyan nang makamit ang ganap na kapayapaan sa Mindanao.Umaasa naman si MILF Chairman Al-Hajj Ebrahim murad, na magiging daan ito sa mas mabilis na pagpapasa ng batas kaugnay sa comprehensive agreement on the Bangsamoro.Aniya, naniniwala siyang ang paglada sa E.O. ay magbubukas ng mas malawak na usapang pangkapayapaan hindi lang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa.Umapela naman ng suporta sa publiko si MILF Peace Implementing Panel Chair Mohagher Iqbal at nangakong gagawin ang lahat mapanatili ang kapayapaan.Sa nasabing EO, magiging 21 na ang miyembro ng BTC mula sa dating 15 kung saan 11 rito ay manggagaling sa MILF habang 10 naman mula sa nominasyon ng gobyerno.
Eo Na Nagpapalawig Sa Bangsamoro Transition Commission, Nilagdaan Na Ni Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments