Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maipatupad na ang price cap sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tapos na ang pag-aaral at rekomendasyon hinggil dito ng technical working group ng Inter-Agency Task Force (IATF) at tapos na rin ang paperworks sa Office of the Executive Secretary.
Sinabi ni Roque na tila tuloy ang ipatutupad na price cap, hindi pa lamang aniya niya masabi kung hanggang magkano lamang ang dapat na ipataw na presyo sa RT-PCR test base na rin sa ipinakikitang indikasyon.
Hintayin na lamang aniya ang pag-apruba rito at ang ilalabas na executive order o kautusan ni Pangulong Duterte na inaasahang ilalabas ng Palasyo sa mga susunod na araw.