Manila, Philippines – Nakiusap ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato ng 2019 midterm elections na huwag mangampanya sa mga sementeryo.
Bagaman at hindi ito ipinagbabawal, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez – gawin ng mga kandidato ito ‘out of delicadeza’.
Dagdag pa ni Jimenez – hindi dapat sinasamantala ng mga kandidato ang Undas para i-promote ang kanilang kandidatura sa nalalapit na eleksyon.
Sa halip na magkabit ng mga tarpaulin at poster sa mga sementeryo, maaring magsagawa ang mga kandidato ng roadside assistance para sa mga uuwi ng probinsya.
Facebook Comments