EPD, binalaan ang publiko sa kumakalat na mensahe sa text at social media hinggil sa pananakot ng NPA

Binalaan ng Eastern Police District ang publiko maging ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na kanilang nasasakupan hinggil sa nagpapakilalang mga miyembro ng NPA.

 

Ayon kay Chief Supt. Christopher tambungan, Acting District Director ng Eastern Police, nakatanggap sila ng ulat na may kumakalat na text at social media messages  kung saan nananakot ang mga ito at nanghihingi ng lagay o pera.

 

Pero payo ni Tambungan, kung sakaling makatanggap ng ganitong uri ng mensahe, agad daw itong ipagbigay alam sa kanila at mariin niyang hiling na huwag na itong ipakalat pa.


 

Sinabi pa ng opisyal na hindi nila kinukunsinte ang mga ganitong iligal na gawain kung totoo nga na mga npa ang may gawa nito.

 

Maaari naman daw tumawag sa Eastern Police Districts Tactical Operations Center sa numerong 641-0877 o kaya mag-text sa 0998-5987874 kung maka-tanggap ng pananakot sa mga rebelde.

Facebook Comments