EPD, inaming kulang ang kanilang gamit na thermal scanner

Aminado ang mga pulis na nakatalaga sa Eastern Police District Mobile Force Battalion na kulang sila sa mga gamit na thermal scanner upang masuri ang temperatura ng mga motoristang dumadaan sa East bank Road sa Pasig na daanan ng mga motorista galing Cainta, Rizal.

Napagalaman na sinusuri lang ang ID ng mga dumadaan pero hindi naman nasusuri ang kanilang temperatura kaya’t nakalulusot din kung ang isang tao ay positibo sa COVID-19.

Ayon kay Police Lieutenant Dindo Tanteo, Team Leader Mobile Force Battalion na naka-assign sa East Bank, na low battery daw at china-charge pa ang kanilang tatlong thermal scanner matapos gamitin kagabi.


Samantala, sinabi naman ni Mayor Vico Sotto na nakipagpulong siya kagabi kay Pasig Chief Colonel Moises Villaceran at dito kanyang sinabi na nag donate ang Pasig Local Government Unit (LGU) sa Philippine National Police (PNP) ng 10 disinfecting kits na may kasamang knapsack sprayer at disinfectant tablets, 500 piraso ng gloves, 108 bottles ng 500mL na alcohol at 7 infrared thermometer guns.

Facebook Comments