EPD, nagsagawa ng motorcade para ipaalala sa mga residente ang malinis ay payapang halalan

Nagsagawa ng motorcade ang isang grupo sa Pasig City para muling ipaalala ang malinis, matapat at payapang 2019 midterm election.

 

Mismong ang hepe ng Pasig PNP na si Police Col. Rizalito Gapas ang nanguna sa naturang aktibidad kung saan sinuportahan ito ng asin-ilaw movement o ang suhol iwaksi natin and itaguyod ligal at wasto.

 

Kasama din sa motorcade ang mga miyembro ng pasig city anti-motorcycle riding suspect, Bureau of Fire, DILG at iba pang unit ng EPD.


 

Bukod sa pag-motorcade, muli din ipinaala ng mga otoridad na ireport agad sa kanila ang anumang kahina-hinalang bagay o tao sa kanilang lugar para maiwasan ang anumang krimen.

Facebook Comments