Mariel Rodriguez, buntis sa second baby nila ni Robin Padilla

Emosyonal na inanunsiyo ng TV host na si Mariel Rodriguez ang pagbubuntis niya para sa second baby nila ng asawang si Robin Padilla.

 

Kasabay ng mother’s day special, nagbalik-tanaw si mariel sa mga pinagdaanan niya habang ipinagbubuntis hanggang sa ipanganak si isabella.

 

Pagkatapos nito, dito na inanunsyo ni Mariel ang good news na tatlong buwan na siyang buntis.


 

Nagpasalamat naman ang TV host sa panginoon dahil sa panibagong sorpresa na ibinigay sa kanila ni Robin.

 

Samantala, ipinagpaliban muna ni Heart Evangelista ang planong pagbubuntis ngayong taon para tutukan ang kanyang mga film project.

 

Pero say ni Heart, sa susunod na taon, susubukan ulit nila ng mister na si Senador Chiz na magkaroon ng baby.

 

Facebook Comments