EPD, pinangunahan ang oath taking ng 300 youth leaders para sa KKDAT

Nanumpa ang nasa 300 youth leaders at lumagda ng manifesto bilang supporta sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na pinangunahan ng Eastern Police District (EPD).

Ayon kay EPD Chief Police Brigadier General Matthew Baccay, ginawa ang nasabing aktbidad sa magkahiwalay na lugar kahapon.

Isa sa pinagdausan ng programa ay ang San Juan Gym sa Barangay Rivera, San Juan City at ang isa naman ay sa covered court ng Barangay San Antonio, Pasig City.


Aniya, ito ay naaayon sa kampanya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na palakasin ang community partnership.

Bago ang nasabing programa, sumailalim muna ang mga kabataan sa isang seminar tungkol sa anti-criminality, ELCAC at iba pang topic kaugnay sa peace and order.

Nagkaroon din ng open forum upang malaman ang posisyon ng mga kabaataan sa kampanya at adbokasiya ng PNP laban sa krimen, ilegal na droga at terorismo.

Facebook Comments