Epektibong tugon ng AFP sa Marawi Crisis, nagpataas sa ratings ni Pangulong Duterte ayon kay Senator Trillanes

Marawi City – Ang crisis sa Marawi ang nakikita ni Senator Antonio Trillanes IV na malaking factor na nakaapekto sa nananatiling mataas na net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Sa ginawang pagsusuri ni Trillanes sa resulta ng SWS survey ay nakita niyang mas na-appreciate ng mga respondents sa mula sa Luzon at Visayas ang epektibong tugon ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Maute Terror Group.

Pero diin ni Trillanes, kapansin-pansin na bumaba ng 12 ang porsyente ng mga taga-Mindanao na tumatangkilik sa performance ni Pangulong Duterte.


Para kay Trillanes, nakakaalarma ang nais ipahiwatig ng nasabing numero mula sa mga mamamayan ng Mindanao.

“Dissecting the SWS results, apparently, the Marawi siege is the overriding concern of the respondents. Those from Luzon and Visayas most likely appreciated the AFP’s effective response to the Maute group, hence the increase in satisfaction rating. On the other hand, the 12% dip in Mindanao shows a totally different and alarming picture,” reaksyon ni Senator Trillanes.

Facebook Comments