Epekto ng Bagyong “Rolly” at “Ulysses” sa COVID-19 situation sa bansa, posibleng maging basehan ng ipatutupad na quarantine restriction sa Disyembre

Pinatututukan ng OCTA Research Group ang Baguio City at Davao City matapos tukuyin bilang ‘hotspots of serious concern’ dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Sa pinakahuling monitoring ng grupo, nakapagtala ang Davao City ng 217 new cases mula november 1 hanggang 14.

Umakyat naman sa 11.2% ang attack rate sa Baguio City na nangangahulugang mas maraming tao ang tinatamaan ng sakit.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Butch Ong na isa sa posibleng factor ng pagtaas ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw ay ang mas mahusay na contact tracing at detection.

Aniya, inilabas nila ang report para mas maaga itong matugunan ng mga Local Government Unit (LGU) at maiwasan ang outbreak ng COVID-19.

“We are able to capture new cases earlier and institute earlier care and procedures para sa mga LGUs na ito ‘no. ”It does not mean that there is an outbreak na hindi kayang i-control,” ani Ong.

However, I’m telling the public that it‘s not a cause for alarm at this point in time. Our reports are just to guide them para maaga silang maka-institute ng policies na hindi mag-outbreak nang bigla-bigla o mag-spike ‘yong number of cases sa mga cities and municipalities na ito,” dagdag pa ng medical expert.

Kabilang sa top 5 na lugar sa bansa na may mataas na kaso ng COVID-19 ay ang Metro Manila, Davao del Sur, Cavite, Rizal at Benguet.

Sa ngayon, nasa 0.81% na lamang ang reproduction number ng COVID-19 sa bansa habang bumaba na sa 4% ang positivity rate na 1% below sa inirekomenda ng World Health Organization.

Samantala, patuloy na inaabangan ng OCTA Research Team ang posibleng epekto ng Bagyong Rolly at Ulysses sa COVID-19 situation ng bansa.

Ayon kay Ong, mataas talaga ang transmission possibility sa mga lugar na tinamaan ng bagyo dahil na rin sa pagdagsa ng mga tao sa mga evacuation center.

“The data from this week and next week are going to be very, very interesting. In fact, eto siguro yung datos, with regards to what happen to Typhoon Ulysses and Typhoon Rolly ‘no, might be the deciding factor in releasing or easing the quarantine restriction by December,” pahayag ni Ong.

Dagdag pa ni Ong, kung hindi nangyari ang mga bagyo, posibleng nasa new normal na ang bansa.

Pero paalala ng medical expert, bumaba man o kahit mag-zero pa ang COVID-19 cases sa bansa, dapat pa ring sumunod sa minimum health standards ang publiko.

Facebook Comments