Epekto ng ECQ sa mga driver at operator, kakaunti lang – DOTr

Tiwala ang Department of Transportation (DOTr) na hindi gaanong maapektuhan ang mga driver at operator sa Metro Manila sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula bukas, Agosto 6 hanggang 20.

Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon Jr., minimal lamang ang mababawas sa bilang ng mga pasahero sa loob ng dalawang linggong ECQ sa National Capital Region.

Aniya, papayagan pa rin naman kasing makalabas ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR).


Bukod dito, marami rin aniyang mga industriya na pinapayagan na mag-operate kahit pa naka-ECQ ang Metro Manila.

Sinabi naman ni Tuazon na plano ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ibalik ang libreng sakay sa EDSA Carousel Bus.

Facebook Comments