Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na huwag maging kampante sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Kasunod ito ng ulat ng OCTA Research Group na bahagyang bumagal ang pataas na trend ng COVID-19 at bumaba sa 1.6 mula 1.88 ang reproduction rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, huwag basta-basta makampante sa pagbagal ng pagdami ng kaso dahil ito ay maituturing lamang na “artificial decreased” o hindi totoong pagbaba.
Aniya, aabutin pa ng dalawang linggo bago maramdaman ang epekto ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa “NCR Plus” bubble.
Paliwanag pa ni Vergeire, isa rin sa dahilan ng pagbaba ng mga naitatalang kaso nitong Holy Week ay bunsod ng pagsasara ng ilang laboratoryo.
Facebook Comments