Umaasa ang OCTA Research Group na ang bahagyang pagluluwag ng restrictions sa NCR plus ay hindi magdudulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Una nang sinabi ng grupo na nananatiling “unstable” ang downward trend ng mga kaso.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David na malalaman sa susunod na linggo ang epekto ng flexible modified enhanced community quarantine.
Sinabi ni David na patuloy pa ring bumababa ang kaso sa NCR na nasa 3,000 cases kada araw.
Aniya, 46-percent itong mababa kumpara sa naitalang peak noong March surge na nasa 5,550 COVID-19 cases kada araw.
Ang reproduction number sa NCR ay nasa 0.82, Pero sa buong Pilipinas, tinatawang nasa 8,000 kaso kada araw na lamang ang naitatala.
Facebook Comments