Ricky Lo, pumanaw na sa edad 75

100

Pumanaw na sa edad 75 ang veteran entertainment columnist na si Ricky Lo.

Sa Facebook Post ng The Philippine Star, labis nilang ikinalulungkot ang pagkawala ng showbiz columnist.


Si Ricky Lo ay kapita-pitagang journalist sa showbiz industry at may hawak na column sa nasabing broadsheet.

Naging host din siya ng enternatinment show na “Startalk” sa GMA 7 at naging isa sa mga naging host ng “The Buzz” sa ABS-CBN.

Bago naging kolumnista sa PhilStar, naging entertainment journalist sa The Manila Times at The Manila Chronicle.

Facebook Comments