Mas naranasan ang epekto ng habagat at bagyong Domeng sa National Capital Region (NCR).
Ito ay batay sa pagtaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas mas nakaranas nang mataas na pagbaha ang NCR partikular ang Metro Manila.
Kaya naman umabot sa 22 pamilya o 93 indibidwal ang naapektuhan at kinailangang lumikas pero ngayon ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan.
Sinabi pa ni Posadas na nitong nakalipas na buong araw ng Sabado itinaas sa red rainfall warning ang buong NCR dahil umabot sa 193 millimeter ang buhos ng ulan na naging dahilan ng pagbaha sa Quezon City, Mandaluyong at Malabon.
Nanatili naman sa blue alert status ang MIMAROPA AT Calabarzon ito ay upang matutukan ng operation center ng NDRRMC ang epekto ng patuloy na pag-ulan rin sa mga bayan ng dalawang rehiyon.