CAUAYAN CITY- Puspusan na ang paghahanda ng Pamahalaan para sa posibleng epekto ng La Niña sa probinsya ng Isabela at buong bansa.
Sa pagbisita ni Task Force El Niño Spokesperson Communications Assistant Secretary Joey Villarama, sa siyudad ng Cauayan nitong Linggo lamang, inihayag nito na nasa 3,200 barangays ang naberipikang flood, landslide, mudslide prone sa buong Pilipinas.
Aniya, sa pag-iikot ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos sa iba’t-ibang probinsiya sa Pilipinas, kabilang na sa Isabela ay nagsimula na nitong payuhan ang mga Local Government Unit na maghanda para sa La Niña.
Dagdag pa niya, kinakailangang i-update ng mga LGU ang kanilang hazard map upang maberipika ang mga lugar na posibleng bahain, magkaroon ng landslide o mudslide.