Epekto ng optional na pagsusuot ng face mask, malalaman na sa susunod na linggo

Malalaman na sa susunod na linggo kung may epekto sa paggalaw ng kaso ng COVID-19 ang optional na pagsusuot ng face mask

Ayon kay Department of Health Officer-in-Charge (DOH OIC) Usec. Maria Rosario Vergeire, sa susunod na linggo ay sapat nang gamitin ang datos kung may epekto ang pag-alis sa mandatory na pagsusuot ng face mask.

Ito ay dahil dalawang linggo aniya ang kinakailangan bago makita ang epekto ng pagluluwag sa pagsusuot ng face mask.


Kinumpirma rin ni Vergeire na base sa kanilang surveys, marami pa ring mga Pilipino ang mas pinipiling magsuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay.

Facebook Comments