2 indibidwal na kasama sa PNP/PDEA drugs watchlist, natimbog

58

Arestado ang dalawang indibidwal na kabilang sa Unified Philippine National Police/Philippine Drug Enforcement Agency PNP/PDEA watchlist matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose del Monte Police ang mga suspek na sina Jennifer Lopez, alyas Madam at Ernesto Padilla, alyas Poste.

Nabatid na naaresto ang mga suspek matapos makipagtransaksyon sa mga pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.


Nakuha sa mga ito ang 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P17,000

Sa ngayon, inihahanda na ang reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga nahuling suspek.

Facebook Comments