Epekto ng pagbabago sa tax ng manggagawa, pinag-aaralan ng DOLE

Manila, Philippines – Bumuo ng Technical Working Group ang DOLE upang pag-aaralan ang mga posibleng epekto ng panukalang pagbabago sa Tax sa kita ng mga manggagawa.

Ayon kay DOLE Secretary ang TWG ay magsasagawa ng konsultasyon, pulong, focus group discussion at iba pang kahalintulad na gawain upang kumalap ng rekomendasyon at panukala mula sa mga eksperto at ibat ibang sektor patungkol sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Act na tinatalakay sa Senado.

Paliwanag ng kalihim ang TWG na binabalangkas sa kanyang Administrative Order No. 460 ang mangunguna sa mga konsultasyon sa ibat ibang Labor Group at mga Employer at maging sa mga eksperto sa Akademiya at Ekonomiya.


Isinaad ng TRAIN na exempted sa unang 150 thousands pesos Annual Taxable Income ang mga manggagawa at maging sa 82 libong piso na Tax Exemption para naman sa13th Month pay at iba pang bonus.

Facebook Comments